Mahigpit ang isinasagawang monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS kaugnay ng mga naramdamang aktibidad sa Bulkang Kanlaon.
Sa panayam ng programang BOSES, sinabi ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na nagpapakita ng mga senyales ng unrest ang Bulkang Kanlaon.
Naitala kasi mula hatinggabi ng Miyerkules hanggang hatinggabi ng Huwebes ang 94 volcanic earthquakes, gayundin ay kumapal ang ibinubuga nitong fumes.
Ito umano ang ikatlo sa pinakamataas na record na naitala nila ngayong taon.
Paalala pa ng PHIVOLCS sa mga residente na manatiling alerto, ihanda ang mga kinakailangan sa Go Bags at huwag pumasok sa Permanent Danger Zone.