Kinumpirma ni Department of Education o DepEd Secretary Sonny Angara na magiging bahagi na ng teaching load hours ng mga guro ang Learning Action Cell sessions.
Ang Learning Action Cell o LAC sessions ay paraan ng mga guro para mag-collaborate upang isaayos ang kanilang teaching methods at makapagbahagi na rin ng best practices sa pagtuturo.
Ani Angara, noon kasi ay tanging ang binibilang sa teaching hours ay ang classroom teaching assignments, ngunit ngayon ay isasama na rin dito ang LAC sessions.
Mahalaga kasing malaman na maging ang mga isinasagawang konsultasyon ng mga guro sa LAC sessions ay masasabing bahagi pa rin ng kanilang trabaho at responsibilidad bilang mga guro.
Sa tulong din kasi nito, mas mahihikayat pa ang mga guro sa bansa na mapahusay ang kanilang teaching craft at techniques na labis namang makatutulong sa mga mag-aaral.