Inilabas na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng isinagawang ikalawang lie detector test sa nagpakilalang dating aide ni former House Speaker Lord Allan Velasco at dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Sa inilatag na lie detector test result ni Gracioso, sinabi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag na hindi nagsisinungaling ang dating pulis sa nilalaman ng kanyang affidavit.
Wala umano kasing mga nakitang physiological changes at reactions kay Gracioso nang tinatanong na ito sa mismong nilalaman ng kanyang affidavit, na indikasyon na walang “indication of deception” o panloloko habang isinasagawa ang lie detector test.
Matatandaang idinawit ni Gracioso ang pangalan ni Vice President Sara Duterte na tumanggap umano ng male-maletang pera noong 2017, na mariin namang itinanggi ng bise Presidente dahil hindi sila umano magkakilala.