Siniguro ng Department of Trade and Industry na hindi kailangan mag-hoard ng publiko dahil may sapat na suplay ng bottled water sa bansa.
Ito’y dahil may mga napapabalitang nag-iimbak na ng tubig dahil sa posibleng epekto ng matinding El Niño na mararanasan ngayong Oktubre hanggang Disyembre.
Ayon sa DTI, nakikipag-ugnayan na sila sa mga manufacturers at distributors ng tubig upang matiyak na tuloy-tuloy lang ang sapat na suplay sa merkado.
Naka-monitor din ang DTI sa presyo nito upang hindi magkaroon ng overpricing pati na rin sa mga plastic drum, container at iba pa.
Nagpaalala naman ang DTI sa mga negosyante na ‘wag mananamantala sa mga mamimili dahil may karampatang parusa para sa mga lalabag sa batas.