Hindi nakitaan ng panloloko si Rodulfo Gracioso Jr. sa laman ng kanyang affidavit na isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI) noong September 14.
Base sa pangalawang polygraph exam o lie detector test ng NBI kay Gracioso lumabas na no deception ang findings sa kanya rito.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bagamat hindi magagamit sa korte ang resulta ng lie detector test malaking bagay ito sa kanilang imbestigasyon dahil ito ang magpapakita ng kredibilidad ni Gracioso.
Bagamat may ilan namang mga detalye sa affidavit na hindi tugma sa salaysay ng ilan sa nabigyan ng subpoena importante pa rin ang nilalaman ng sinumpaang salaysay nito.
Matatandaan na base sa salaysay ni Gracioso nagbigay ito ng male-maletang pera sa pamilya Duterte sa utos ng kanyang dating boss na si House Speaker Lord Allan Velasco.
Inimbita na naman sina Vice President Sara Duterte at Speaker Velasco sa NBI upang tanungin patungkol sa affidavit.