Kiko Pangilinan
Mlugod na tinanggap ni Senador Kiko Pangilinan ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang petisyong kumukuwestiyon sa June 3, 2026 session ng senado.
Ayon kay Pangilinan, dapat nang isantabi ng mga senador ang mga hindi pagkakaunawaan sa pulitika at ituon ang kanilang pansin sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Pangilinan na kinikilala nila nang may respeto at pagpapakumbaba ang ruling ng Supreme Court na walang grave abuse of discretion sa pagdaraos ng naturang sesyon at na ito ay naaayon sa facts, batas at established jurisprudence.
Dagdag pa niya, dapat nang mag-move on at tuloy-tuloy nang magtrabaho.
Umaasa si Pangilinan na makatutulong ang desisyon ng Korte para maibalik ang katatagan sa senado at makapagpokus ang mga mambabatas sa mga kagyat na usapin tulad ng pagpapababa ng presyo ng pagkain, paglikha ng trabaho, pagpapalakas ng public services at paghahanda sa inaasahang Super El Niño.
Giniit din ng senador na dapat unahin ng mga lingkod-bayan ang kapakanan ng publiko kaysa personal na interes o tunggaliang pulitikal. | ulat ni Nimfa Asuncion