Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa agarang pagpapalaya kay Mark Mabasa, anak ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid, na kasalukuyang dinetain ng US immigration and customs enforcement (ICE) sa California.
Ayon kay Hontiveros, hindi katanggap-tanggap na nakadetine si Mabasa na matagal nang naghain ng asylum sa US, lalo na’t hindi pa malinaw ang dahilan ng kanyang pagkaka-detain.
Sinabi ng senador na nag-apply ng asylum si mabasa at iba pang miyembro ng pamilya ni Percy Lapid matapos makatanggap ng death threats sa pilipinas.
Inihayag din ni Hontiveros na naipaabot na niya ang kaso kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Philippine Consul General sa Los Angeles Adel Cruz.
Hinimok naman niya ang malacañang at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na tumulong sa Mabasa family.
Sinabi ni Hontiveros na nabigo na ang pamahalaan na maprotektahan ang buhay ni Percy lapid, kaya dapat tiyaking ligtas ang kanyang pamilya saanman sila naroroon.
Apat na taon na ngayong October mula nang mapaslang si Percy Lapid, na ayon kay Hontiveros ay patuloy na naghahanap ng hustisya ang pamilya.
Dahil dito, hiniling ng senadora na huwag nang dagdagan ang dinaranas na trauma ng pamilya mabasa at ipadama sa kanila na hindi sila nag-iisa, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion