Inilabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang updated fare matrix para sa lahat ng istasyon ng EDSA Bus Carousel.
Ayon sa DOTr ay kasunod ng ipinatupad na taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan simula noong Lunes, Setyembre a-28.
Mula sa dating ₱15, tumaas na sa ₱18 ang minimum na pasahe sa mga bus na dumaraan sa EDSA Busway mula Monumento sa Caloocan hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at pabalik.
Bukod pa ito sa karagdagang kilometro depende sa destinasyon na ₱2.98 mula sa dating ₱2.65.
Una rito, nagpasalamat ang Mega Manila Consortium Corporation sa pamahalaan dahil magiging operational na ang kanilang biyahe dahil sa ipinatupad na taas-pasahe.

