Tiwala ang House Prosecution panel na tuloy-tuloy ang presentasyon ng mga saksi para sa lahat ng apat na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunpaman, ang maagang pagtatapos ng paglilitis ay nakasalalay sa bilis ng depensa sa paghaharap ng kanilang sariling mga ebidensya.
Ito ang binigyang-diin ni House Prosecutor Terry Ridon kasunod ng pahayag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Regie Tongol na maibaba ang pinal na pasya sa December 16 o bago Christmas break.
Ayon kay Ridon, bagamat iginagalang nila ang petsang ito bilang target ng korte, hindi pa ito maituturing na pinal.
Naniniwala rin ang mambabatas na pakikinabangan ng lahat ang maagng pagtatapos ng impechment trial.