Bumaba ng 29.75% ang focus crimes sa bansa mula July hanggang September, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr., umabot na lang sa 7,233 ang naitalang kaso mula sa 10,296 na kaso.
Kabilang sa walong focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping at motorcycle theft.
Sa buwan ng September, bumaba ng 36% ang mga kaso sa 2,063 mula sa 3,226 noong nakaraang taon.
Iniugnay ni Nartatez ang pagbaba ng krimen sa patuloy na pagbabago ng PNP bilang organisasyon.
Ikinatuwa niya ang magandang resulta, pero tiniyak niyang hindi magpapakampante ang pulisya.
Mas palalakasin pa aniya ang police visibility at operasyon laban sa ilegal na droga, loose firearms at terorismo. | ulat ni Diane Lear