Mahigit ₱14 milyong halaga ng proyektong pangkabuhayan ang ipinamahagi ng DA-BFAR sa mga mangingisda at seaweed farmers sa Sorsogon.
Kabilang dito ang mga fish cage, fiberglass boat, at seaweed-processing equipment para dagdagan ang kanilang kita.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi noong Oktubre 2.
Layunin ng mga proyekto na mapalakas ang produksiyon at kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Inaasahang makatutulong din ang mga kagamitan sa pagpapalawak ng kanilang fishing at seaweed livelihood activities.
Bahagi ito ng programa ng DA-BFAR na naglalayong magbigay ng sustainable livelihood opportunities sa mga mangingisda at seaweed farmers.