Ipinatupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Taxpayer Portal para sa Large Taxpayers na sakop ng Ease of Paying Taxes Act.
Sa portal, maaaring tingnan ng taxpayers ang kanilang registration records, status ng tax returns, tax payments at account ledger.
Maaari rin silang makatanggap ng tax reminders at iba pang system-generated notifications.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, sakop ng rollout ang Large Taxpayers sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 109-2026.
Aniya, layunin ng portal na gawing mas mabilis, simple at accessible ang mga transaksyon sa ahensya.