Iginiit ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na premature pa ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) ng ilang local government unit (LGU) sa Metro Manila.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, may Motion for Reconsideration na inihain sa Supreme Court noong August 5 kaugnay ng mga petition ng transport groups laban sa NCAP.
Sinabi ni Inton, bagama’t dinismiss ng Supreme Court ang consolidated petitions noong July 9, hindi nito idineklarang valid ang mga dating NCAP issuances.
Dahil dito, nananawagan ang LCSP at transport groups na ipagpaliban muna ang NCAP habang hinihintay ang aksyon ng Supreme Court.
Giit ng grupo, mas mainam na hintayin muna ang pinal na desisyon ng Korte bago ipatupad ang programa.