Wala pang nakikitang dahilan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para ibaba ang kanilang alerto.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, nananatiling naka-heightened alert ang NCRPO mula nang itaas ito noong September 21.
Nilinaw ni Co na walang kaugnayan ang heightened alert sa kilos-protesta sa tanggapan ng Office of the Vice President. Ibinatay aniya ito sa iba’t ibang factor at sa assessment ng Regional Director.
Sa ngayon, handa ang NCRPO sa anumang posibleng sitwasyon.
Matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo sa tanggapan ng OVP sa Mandaluyong City kanina.