Nakapagtala ang Manila Health Department ng 41 bagong kaso ng Dengue sa lungsod ngayong October 6, dahilan para umabot sa 3,596 ang kabuuang kaso mula Enero.
May 28 bagong kaso rin ng Influenza-like illness (ILI), habang tig-7 kaso naman ng Leptospirosis at Severe Acute Respiratory Infection (SARI) ang naitala.
Isang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naiulat, habang walang bagong kaso ng Cholera at Typhoid Fever.
Batay sa datos hanggang alas-7 ng umaga, nasa 2,128 na ang kabuuang kaso ng ILI, 1,619 ang Leptospirosis, 485 ang SARI, 101 ang COVID-19, 82 ang Typhoid Fever, at apat ang Cholera sa Maynila ngayong taon.