Photo courtesy of Bureau of Customs (BOC)
Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Clark o BOC-Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 4.14 kilo ng hinihinalang ketamine na nagkakahalaga ng ₱20.7 milyong.
Galing Amsterdam, Netherlands at patungong Valenzuela City ang shipment na idineklarang compact ceramic fan.
Na-flag ang kargamento matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa X-ray inspection ng BOC.
Sa isinagawang physical examination, nadiskubre ang pitong plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang ketamine.
Isinailalim na sa laboratory analysis at confirmatory testing ng PDEA ang mga nakuhang sample.