Photo courtesy of National Food Authority (NFA)
Operational na ang bagong inuupahang warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Bayanan II, Calapan City Oriental Mindoro.
Pinamamahalaan ang pasilidad ng Gid Bagsic Agro-Industrial Corporation at may kapasidad na hanggang 180,000 bags ng malinis at tuyong palay.
Layunin ng warehouse na palawakin ang kapasidad ng NFA sa pagbili at pag-iimbak ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Sakop ng serbisyo ang Calapan City at mga karatig-bayan kabilang ang Baco, Naujan at Victoria.
Inaasahang makatutulong ang bagong pasilidad sa mas tuloy-tuloy na procurement at storage ng palay sa Oriental Mindoro.