Photo courtesy of Manila PIO
Nagpasalamat si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Office of the President (OP) at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsisimula ng mga proyekto para sa pagpapalawak ng greener spaces at pagtatayo ng rainwater impounding facilities sa ilang lugar sa Maynila.
Kabilang sa isasailalim sa pagsasaayos ang Remedios Circle, Rajah Sulayman Park, at Vito Cruz ASEAN Garden sa CCP Complex.
Layunin ng mga proyekto na makatulong sa pamamahala ng tubig-ulan at pagbawas ng pagbaha sa Ermita, Malate, at Paco.
Ayon kay Mayor Isko, malaking tulong sa lungsod ang pagtugon ng MMDA sa kanilang mga kahilingan, lalo’t sagot ng ahensiya ang pondo para sa mga proyekto.
Binigyang-diin naman ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes ang kahalagahan ng pagtutulungan ng national government at mga lokal na pamahalaan para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto.
Inaasahang agad sisimulan ang mga ito at matatapos bago ang susunod na tag-ulan. Ang rainwater impounding facilities ay magsisilbing pansamantalang imbakan ng tubig-ulan kapag malakas ang pag-ulan.