Hindi pa pormal na binabawi ng House prosecution panel ang Article 3 o bribery allegation sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, kahit may “serious inclinations” na umano sa loob ng panel na i-withdraw ito.
Ayon kay House Lead Prosecutor Gerville Luistro, may mga naging pag-uusap na tungkol sa posibilidad na alisin ang Article 3, ngunit hindi pa ito opisyal hangga’t hindi ipinapahayag mismo sa impeachment court.
Dagdag pa niya, nananatiling matatag ang ebidensya ng prosecution para sa apat na articles, kabilang ang bribery.
Kung may konsiderasyon man na i-withdraw ang Article 3, bahagi ito ng layunin nilang mapabilis ang impeachment proceedings at hindi dahil mahina umano ang kanilang ebidensya.