“Kapag wala ka nang mahanap na pandepensa, wala na talagang mangyayari kundi ang magturo na lang ng iba.”
Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y Palasyo ang nasa likod ng lahat ng alegasyon at akusasyon sa kanya.
Ayon kay Castro, dapat tandaan na may nabalitang may mga pondo na umano’y naibigay sa bise at sa asawa nito subalit wala namang ebidensiyang maipakita na wala silang natanggap.
Sinabi ni Castro na kung may natanggap man umano ang bise at asawa nito ay hindi ang Pangulo ang nakinabang dito at hindi ang administrasyon ang nagpasasa sa ‘di umano ay tinanggap nila.
Hindi aniya kayang ibenta ng Pangulo ang bansa sa dayuhan at isa itong karumal dumal na gawain kaya hindi ito dapat tularan.