Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain matapos umakyat ang inflation nitong Setyembre.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maglalaan ang gobyerno ng ₱45 bilyong para sa El Niño response, kung saan ₱6.2 bilyon na ang nailabas.
Layunin nitong mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain at maiwasan ang matinding pagtaas ng presyo.
Sa ulat ng PSA, umakyat sa 6.8 % ang food inflation noong September, mula 4.6 % noong August.
Malaki ang naging ambag ng bigas, gulay, isda, at iba pang pangunahing pagkain sa pagtaas ng presyo.
Samantala, inaasahan ng PAGASA ang Super El Niño mula sa huling bahagi ng taon hanggang unang kalahati ng 2027.