Walang dahilan para mag-panic.
Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may epekto ang pagpa-panic buying sa isipan ng ating mga kababayan.
Takot aniya ang naidudulot nito sa halip na makapag-isip ng maayos at tama sa gitna ng inaasahang epekto ng super El Niño.
Tamang paghahanda ayon kay Undersecretary Castro ang kailangan sa halip na bumili ng bumili dahil sa pagpa-panic o pangamba na baka magkaubusan sa merkado ng pangunahing pangangailangan.
Sa harap nito ay binigyang-diin ng communications official na may ginagawang preparasyon ang pamahalaan para maibsan ang anumang pagkabahala ngayong tatamang tagtuyot.