Naglabas ngayon ng guidelines ang Civil Service Commission para sa special run ng Career Service Examination-Pen and Paper Test sa Koronadal City na gaganapin ngayong weekend, October 11.
Ayon sa CSC, nasa 8,132 examinees ang sasailalim sa pagsusulit na mula sa General Santos City testing center na hindi nakapag-exam matapos ipagpaliban ang orihinal na schedule dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa Region 12 noong June.
Mula sa bilang na ito, 7,924 ang kukuha ng Professional level habang 208 naman ang Subprofessional level.
Paalala ng CSC, dapat gamitin ng examinees ang eksaktong examinee number na nakalista sa official Examinee Attendance Sheet at tama at kumpletong i-shade ito sa answer sheet.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng cellphone, smartwatch, calculator, camera, study materials at iba pang electronic devices o kagamitan sa loob ng testing room.
Ipinagbabawal din ang pagkuha ng larawan o video, pag-share ng exam content sa social media at paglabas ng test materials.
Isasagawa rin ang routine bag inspection sa mga testing center.