Iminungkahi ng Samahang Industriya ng Agrikutura (SINAG) sa pamahalaan na kung mayroong tulong para sa mga magsasaka ay direkta ng ibigay sa mga ito upang kaagad na nilang magamit at makaiwas pa sa korapsyon sa ibang sangay ng gobyerno.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay SINAG Chairman Engineer Rosendo So, sinabi nito na mas mainam kung pera nalang ang ibibigay para sa mga magsasaka kaysa sa mga inputs upang magkaroon sila ng pagkakataon na mamili ng sapat na abono o pataba na naaayon sa pangangailangan ng kanilang mga pananim.
Dahil minsan ang ipinamamahagi ng gobyerno ay hindi naman angkop sa kanilang pangangailangan o kaya naman ay hindi sapat.
Ayon pa kay Chairman So, minsan mas mura pa ang halaga ng mga abono sa mga outlet sa lokal na pamahalaan kumpara sa Departmet of Agriculture.