Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga stakeholder sa horticulture at urban agriculture na gawing konkretong solusyon ang mga bagong ideya para mapalakas ang food security sa bansa.
Ginawa ni Tiu Laurel ang panawagan sa pagbubukas ng Pagsibol 2026: Philippine Horticulture and Urban Agriculture Summit sa Manila.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang horticulture at urban agriculture hindi lamang sa produksyon ng pagkain kundi maging sa kabuhayan, kalusugan ng komunidad at climate resilience.
Giit niya, hindi dapat matapos sa talakayan ang mga ideya.
Dapat aniya itong makita ang resulta sa bukid, rooftop, community garden o negosyo.
Dumalo rin sa event si First Lady Liza Araneta Marcos at iba pang local at foreign stakeholders.
Ang Pagsibol 2026 ay tatagal hanggang October 8.