Binigyan ng 99.56% performance rating ng Governance Commission for GOCCs ang Clark International Airport Corporation para sa taong 2025.
Ito na ang pinakamataas na rating ng CIAC sa nakalipas na tatlong taon.
Mas mataas ito kumpara sa 98.93% noong 2024 at 97.46% noong 2023.
Ayon kay CIAC President and CEO Jojit Alcazar, sinuri ng GCG ang performance ng CIAC sa pagtupad sa mga target nito, kabilang ang mga development project, bagong lease agreement, trabaho para sa mga locator at pagtugon sa feedback ng mga kliyente.
Kasama rin sa assessment ang infrastructure projects, disaster preparedness at Gender and Development programs.
Sinabi ni Alcazar, nakatuon ang ahensya sa performance, accountability, transparency at good governance.