Nanawagan ang isang multi-sectoral group sa House of Representatives na bigyang-prayoridad at madaliin ang pagpasa ng Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act upang mabigyan ang mga Pilipino ng kakayahang bantayan ang paggastos ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang pampublikong digital platform.
Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala batas ni Senator Bam Aquino sa botong 17-0 noong Disyembre 2025, layunin ng CADENA Act na palakasin ang transparency at accountability sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa publiko sa mga budget allocation at expenditure records ng pamahalaan sa isang pampubliko at digital platform na maaaring bantayan ng taumbayan.
Sa isang liham sa mga lider ng Kongreso, hiniling ng coalition, na binubuo ng mga civic, professional, at technology organizations, sa mga mambabatas na agarang ipasa ang counterpart measure sa Kamara ng Senate Bill No. 1506 ni Sen. Bam Aquino, o ang CADENA Act.
Ipinadala ang liham kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Majority Floor Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, Appropriations Committee Chairperson Mikaela Angela Suansing, at Information and Communications Technology Committee Chairperson Miguel Luis Villafuerte.
Ayon sa grupo, naaprubahan na ng Senado ang panukala noong nakaraang taon, ngunit wala pang aksyon dito ang Kamara sa loob ng halos siyam na buwan.
“Whether the House treats this the way the Senate did, or lets it sit for another nine months, will say a lot about how much lawmakers actually want the public watching where the money goes,” wika ng grupo sa liham.
Sinabi ni Traxion Tech CEO Ann Cuisia, convenor ng coalition at miyembro ng BetterGov.PH, na dapat bigyang-pansin ng Kamara ang mga repormang magpapalakas sa transparency at accountability sa pamahalaan, kabilang ang CADENA Act.
“Sa dami ng political noise today, sana hindi mawala sa focus ang mga sistemang puwedeng makatulong sa publiko na mas malinaw na makita: Where does our money go?” sabi niya sa isang Facebook post.
“I hope our legislators, professionals, civic groups and ordinary citizens will take time to read the proposal, discuss it, question it, and give it the serious attention it deserves,” dagdag ni Cuisia, na naging miyembro rin ng technical working group na nagpaayos sa panukalang batas.
Una nang hinikayat ni Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na gawing prayoridad ang pagpasa ng CADENA Act, na aniya ay magpapalakas sa transparency at pananagutan sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Teodoro, dapat kabilang ang CADENA Act sa mga prayoridad na panukalang batas na isusulong ng mga mambabatas dahil itataguyod nito ang higit na transparency sa paggamit ng pambansang budget at titiyaking napupunta ang pera ng taumbayan sa itinakdang layunin nito.
“Of course, ‘yung CADENA Bill ay inaasahan natin magiging priority bill natin itong second regular session para ‘yung access to information.