Patuloy ang pag-adopt ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga paraan upang mas maging epektibo ang pagtugon ng pamahalaan kontra sa epekto ng El Niño.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, isa ang air- to-water technology sa mga nakitang solusyon ng kanilang ahensiya upang sagutin ang problema sa tag-tuyot.
Bunsod kasi ng mataas na humidity ay maaari nang makakalap ng suplay ng tubig sa hangin.
Unang inilunsad ang nasabing proyekto sa Cawayan, Masbate na labis na nakatulong sa mga residente dahil mababawasan na ang biyahe nila para lamang makakuha ng maiinom na tubig.
Gamit ang isang solar-powered atmospheric water system ay nakokolekta ang tubig na nagiging drinking water.
Plano ng DSWD na dalhin ang nasabing teknolohiya sa iba pang liblib na lugar sa bansa at sa mga lugar na labis na maaapektuhan ng El Niño at pabago-bagong panahon.