Pormal nang pinagtibay ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Veterans Bank ang kanilang partnership sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) upang mapalawak ang access sa financing ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at masuportahan ang mga negosyong lumilipat sa electric mobility.
Layunin ng kasunduan na mapabuti ang access ng mga negosyo sa pautang para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon, habang isinusulong ang sustainable transportation at ang E-Transport Loan Program ng DTI.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng mas maraming oportunidad ang mga transport operator, kooperatiba, MSMEs, at iba pang negosyo na makilahok sa paglipat tungo sa paggamit ng mga electric vehicle. Ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap na suportahan ang paglago ng mga negosyo at isulong ang mas sustainable na sistema ng transportasyon sa bansa.