Naka-focus ngayon ang House prosecution panel sa pagpresenta ng financial evidences laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakatakdang humarap ngayon sa witness stand ang 11 mga bank officials upang i-authenticate ang bank account ni VP Sara at kanyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Sakaling matapos agad ang presentasyon ng bank account, agad na isusunod ang mga insurance managers o officials na tinatayang nasa pito.
Ayon kay House prosecutor and Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, ang usapin ngayon at natutok sa ebidensya para patunayan ang alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth.
Dagdag ni Ridon, para sa kanila sa prosekusyon, ito ay trabaho lamang para sa pananagutan at katotohanan.
Ayon naman kay Deputy Speaker Paolo Ortega V likewise ang impeachmet proceedings ay hindi na lamang alegasyon o tsismis na pinag-uusapan ng taumbayan dahil mas nangingibabaw na ang ebidensya.