Pormal nang binuksan ng Pilipinas at Japan ang ika-6 na yugto ng kanilang pagsasanay sa ilalim ng “DOSHIN-BAYANIHAN” para sa taong ito.
Isinagawa ang opening ceremonies sa Brig. Gen. Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City sa Cebu noong October 5 at tatagal ito ng hanggang sa October 9.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Alvin Capinguian, nasa 160 mga tuahan ng PAF ang lalahok sa pagsasanay kasama ang Japan Air Self-Defense Force (JASDF).
Bagaman anim na beses nang nagsasanay ang Pilipinas at Japan sa ilalim ng Doshin-Bayanihan, ito ang ikalawa mula nang lagdaan ang Reciprocal Access Agreement (RAA).
Bukod sa Cebu, isasagawa rin ang pagsasanay sa Puerto Princesa City sa Palawan na nakatutok sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Operations.
Ilan sa mga asset na isasabak sa pagsasanay ay ang C-130 aircraft gayundin ang PZL Swidnik Sokol helicopter.
Tatayo naman bilang observer sa naturang pagsasanay ang mga kinatawan mula sa United States Air Force.
📸 DND


