“Good luck!”
Ito ang mensahe ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon kay Vice President Sara Duterte, ngayon malapit nang matapos ang presentasyon ng Article 3 o unexplained wealth.
Nilinaw naman ni Ridon na ang tinutukoy niyang “pagtatapos” ay ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon at hindi ang mismong kabuuan ng impeachment trial.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng paratang ng pangalawang pangulo laban sa kanya na conflict of interest — bagay na kanyang pinabulaanan.
Ayon kay Ridon, magpapatuloy ang kanilang grupo sa pagpapalabas ng mga ebidensya ngayong linggo sa kabila ng mga pahayag laban sa kanya at sa iba pang miyembro ng prosekusyon.
Anya.. target nilang matapos ang presentasyon sa lalong madaling panahon, bagamat maaari pa rin silang humiling na magdagdag ng ilang saksi kung kinakailangan at kung papayagan ng impeachment court.