Tatlong taon matapos ang madugong pag-atake ng Hamas sa Israel, muling ginunita ng mga Israeli ang araw na nagbago sa takbo ng kanilang bansa at nagpasiklab sa matagal nang labanan sa Gaza.
Sa naturang pag-atake noong Oktubre 7, 2023, tinatayang 1,200 indibidwal ang nasawi at 251 ang dinukot at dinala sa Gaza.
Bilang tugon, inilunsad ng Israel ang malawakang opensiba laban sa Hamas.
Ayon sa health authorities ng Gaza, sa sumunod na tatlong taon ay libo-libong Palestinians ang nasawi at nag-iwan nang malawakang pagkasira sa lugar.
Nagkaroon man nang tigil-putukan, nananatili ang tensyon at hindi pa ganap na natatapos ang krisis.
Sa paggunita ngayong taon, nagtipon ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima upang alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Kasabay nito, nananatiling mahalagang usapin ang kinabukasan ng Gaza at ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Patuloy namang umaasa ang mga pamilya sa tuluyang pagtatapos ng karahasan at pagkakaroon nang matibay na solusyon.