Pinadali ng Korte Suprema ang proseso para sa mga Pilipinong may diborsyo sa ibang bansa at nais itong kilalanin sa Pilipinas.
Ito ay matapos aprubahan ng Supreme Court ang mga pagbabago sa Rules of Court.
Sa ilalim ng bagong patakaran, hindi na kailangang patunayan ng Filipino spouse ang mismong batas ng ibang bansa na ginamit bilang basehan ng diborsyo.
Kailangan na lamang patunayan na naganap ang diborsyo sa ibang bansa.
Pero paglilinaw ng Korte Suprema, hindi ibig sabihin nito na awtomatiko nang kinikilala sa Pilipinas ang foreign divorce.
Kailangan pa ring magsampa ng petisyon sa korte para sa judicial recognition ng diborsyo at matugunan ang mga requirement sa ilalim ng Article 26, Paragraph 2 ng Family Code.
Ayon sa Supreme Court, layunin ng mga pagbabagong ito na alisin ang mga hindi kailangang hadlang at gawing mas simple at mas mabilis ang proseso para sa mga Pilipinong nais ipa-recognize sa Pilipinas ang kanilang foreign divorce.