Hinikayat sa isang high-level meeting sa Maynila ang mga bansang miyembro ng ASEAN na higit pang pag-ugnayin ang social protection at disaster management systems upang mas maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga kalamidad at iba pang socio-economic shocks.
Sa ASEAN High-Level Meeting on the ASEAN Strategic Protocol for Emergency and Comprehensive Transformation o ASPECT Framework sa Maynila, binigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na pagkilos bago pa lumala ang isang krisis.
Kabilang sa mga isinusulong na hakbang ang anticipatory cash transfers, maagang pamamahagi ng ayuda, at iba pang nakahandang suporta upang maprotektahan ang kabuhayan at mapabilis ang pagbangon ng mga komunidad.
Layunin din ng ASPECT Framework na palakasin ang koordinasyon at interoperability ng ASEAN sa pagtugon sa mga sakuna, kabilang ang mas mabilis na cross-border assistance, financial resilience, at multi-hazard preparedness.
Inaasahang magbibigay ang balangkas ng mas maagap, mabilis, at coordinated na response ng ASEAN sa mga sakuna upang maprotektahan ang mga komunidad at mapanatili ang kanilang mga natamong kaunlaran.