Pinapalakas ng ASEAN ang mga mekanismo para sa mas epektibong pagpapatupad ng Women, Peace and Security o WPS agenda, kabilang ang pagsasalin ng regional commitments sa konkretong aksyon sa mga komunidad.
Sa Plenary Session 1 ng ASEAN Women, Peace and Security Conference 2026, tinalakay ang pagpapalakas ng koordinasyon ng ASEAN bodies at mechanisms, gayundin ang monitoring at accountability sa pagpapatupad ng ASEAN Regional Plan of Action on Women, Peace and Security.
Binigyang-diin ng mga panelist na kailangang maging mas cohesive at coordinated ang mga regional institutions upang maisalin sa makabuluhang resulta ang mga commitment sa WPS.
Samantala, sa Plenary Session 2, nakatuon ang talakayan sa localization ng regional WPS commitments. Dito, ibinahagi ng WPS practitioners ang kanilang mga karanasan, resulta ng mga talakayan, at mga usaping kailangang isaalang-alang sa pagbuo ng localized WPS plans.
Ibinahagi rin ng mga kinatawan mula sa Pilipinas, Indonesia, at Lao PDR ang mga lokal na hakbang para mapalakas ang women’s participation, leadership, mediation, at peacebuilding.
Magpapatuloy naman ang mga talakayan para sa ASEAN WPS ngayong araw sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.