Plano ng Department of Agriculture (DA) na mas padaliin ang rollout ng fuel subsidy sa mga magsasaka na apektado ng El Niño sa Western Visayas.
Partikular na tinukoy ni DA-6 Regional Executive Director Dennis Arpia ang mga magsasaka na gumagamit ng mga makinarya at pasilidad na ginagamitan ng gasolina o diesel.
Aniya, maaaring tumanggap ng crop insurance assistance ang mga apektadong magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Samantala, tuloy-tuloy din ang suporta ng DA sa livestock producers, kabilang ang pagtugon sa African Swine Fever, feed costs, village-type feed mills, at slaughterhouse capacity.
Inayos naman ang logistics at storage para makabili at makapag-imbak ng karne ang gobyerno at pribadong sektor kapag maraming suplay.