Binigyang-diin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo at ipinatutupad na ang suspensiyon ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng programang Boses kay BIR Spokesperson, Deputy Commissioner Marissa Cabreros papalo sa ₱3 kada kilo ang mababawas sa LPG habang ₱5 kada litro naman ang matatapyas sa kerosene.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nasuspinde ang excise tax sa LPG at kerosene.
Inaasahan namang tatagal ang excise tax suspension sa LPG at kerosene ng tatlong buwan simula nang maipatupad ito.
Nakabase din sa magiging abiso ng Department of Energy (DOE) kung kailan eksaktong matitigil ang suspensiyon sa excise tax sa LPG at kerosene, na naka-depende naman sa presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado.