Photo courtesy of Department of Budget and Management (DBM)
Nakatakdang bisitahin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert de Leon ang University of the Philippines Manila ngayong araw.
Layon nito na suriin ang mga makabagong pasilidad na ginagamit sa pag-aaral at pagsasanay ng mga estudyante.
Target ding bigyang-diin ng kalihim ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palawakin ang access ng mga Pilipino sa libre at de-kalidad na edukasyon sa kolehiyo.
Kabilang sa mga bibisitahin ng opisyal ang Smart Classroom ng College of Allied Medical Professions, Simulation Laboratory ng College of Nursing, at Skills Laboratory ng College of Medicine.
Ayon sa DBM nais nilang ipakita kung paano nakatutulong ang pondo ng pamahalaan sa pagpapahusay ng edukasyon at pagsasanay ng mga magiging doktor, nurse, at iba pang health professionals.
Bahagi din anila ito ng patuloy na programa ng gobyerno upang matiyak na hindi magiging hadlang ang kakayahang pinansyal ng mga estudyante sa pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon.
