Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagharap nito sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore ang kahalagahan ng kalakalan sa pag-unlad ng bansa.
Ayon sa Pangulo, makikita ito sa maliliit na bansa gaya ng Japan na sinundan ng iba pang nasyon na may malaki nang merkado tulad naman ng China at umabot pang pangalanan sila bilang factories of the world.
Kung tutuusin sabi ng Pangulo ay maliit din ang work force ng Japan at nakita din naman sa China kung paano naging epektibo ang trade o ang kalakalan sa kanila.
Kaya para kay Pangulong Marcos, dapat lang na maisulong ang kalakalan ano pa man ang maging pamamaraan nito tulad ng agreement, negosasyon o adjustment dahil malaki ang benepisyo nito sa ekonomiya ng alinmang bansa.