Sinabi ng World Meteorological Organization na lalo pang lalakas ang El Niño ngayong taon at inaasahang tatagal hanggang February 2027.
Ayon kay United Nations Spokesperson Stephane Dujarric, posibleng maapektuhan nito ang mga ekonomiya, ecosystem at mga komunidad sa buong mundo.
Inaasahan aniya ang mas matinding init, tagtuyot at pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nakikita ring papalo sa above-normal levels ang sea surface temperatures sa central at eastern tropical Pacific mula October hanggang December.
Giit ng World Meteorological Organization, posibleng maging isa ito sa pinakamalalakas na kaganapan mula noong 1950.