Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na walang epekto sa suplay ng langis sa bansa ang ipatutupad na export ban ng China.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nag-iipon ang China ng kanilang mga langis dahil marami sa kanilang reserves ang nailabas noong nakaraan.
Nagsagawa na rin aniya sila ng pag-check sa mga oil company at nakitang wala itong epekto.
Mayroon aniya ang mga oil company sa bansa ng long-term contracts na mahigpit din nilang sinusunod.
Matatandaang inanunsiyo ng China na hindi sila mag-e-export ng kanilang langis sa ibang bansa dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito bunsod ng patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.