Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi sasapat ang pagbabago ng sistema maging ng batas upang maresolba ang usapin sa korupsiyon.
Sa pagharap ng Punong Ehekutibo sa 24th Forbes Global CEO Conference sa Singapore, sinabi nitong bagama’t may mga umiiral ng mga batas laban sa korupsyon ay nakikita niyang malaking hamon kung paano mababago ang pananaw dito ng mamamayan.
Sinabi ng Pangulo, na para matugunan ang problema sa katiwalian ay kailangang baguhin ang kultura at mindset.
Sa halip na ang hanapin aniya ay pansariling kapakinabangan mula sa isang programa o proyekto, ang dapat sanang isipin ay kung paano ito magtatagumpay.
Sa harap nito’y aminado ang Punong Ehekutibo na hindi ganun kadali ang pagbabago sa kultura pero kailangan itong isulong kapalit ng mas matatag na sistema ng integridad sa pamahalaan at lipunan.