Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatibay ng Kongreso sa Batang Ligtas Act, na layong protektahan ang mga bata laban sa online exploitation at marahas na recruitment.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, palalakasin ng panukala ang proteksyon sa mga bata laban sa mapanganib na online content.
Ituturing ding krimen sa ilalim ng panukala ang pagrerekrut o pamimilit sa mga menor de edad na gumawa ng mararahas na pagkilos.
Itatatag din nang permanente ang National Child Safety Office at pormal na kikilalanin ang Philippine Internet Crimes Against Children Center.
Kailangan naman ang lagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ganap na maging batas ang panukala.