Kasama sa mga binibigyang-pansin ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapabuti ng kondisyon ng mga storage facility ng pamahalaan partikular na sa bigas.
Sa panayam ng PTV kay Agriculture Undersecretary Asis Perez, bagamat nananatiling matatag ang suplay ng bigas ng bansa sa pamamagitan ng National Food Authority o NFA ay malaking suliranin pa rin ang pag-preserba nito.
Ani Perez oras kasi na bumaba na ang kalidad ng palay oras na mabasa ito dahil sa ulan o bagyo ay nawawalan na rin ito ng halaga bagay na iniiwasan ng pamahalaan dahil sa kakaharaping epekto ng El Niño.
Kaya naman ibinida ng kagawaran ang pag-invest nito sa mga drying facility upang makatulong na mas maayos na ma-preserba ang bigas.
Pinalalawak at itinataas din ng DA ang kalidad ng mga storage facility upang mas mapatagal ang shelf-life ng mga bigas na kakailanganin para sa inaasahang production lost sa panahon ng El Niño.