Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang groundbreaking ceremony para sa evacuation center sa Magallanes, Cavite.
Matatagpuan ang pasilidad sa Barangay Caluangan na naglalayong palakasin ang kahandaan ng komunidad sa mga sakuna.
Ayon kay OCD CALABARZON Regional Director Carlos Eduardo Alvarez III, magbibigay ito ng ligtas at maayos na matutuluyan sa mga residenteng maaapektuhan ng kalamidad.
Nagkakahalaga ang proyekto ng mahigit ₱54.6 milyon at itatayo sa lupang may lawak na 3,270 square meters.
Ang multipurpose facility ay magkakaroon ng floor area na mahigit 1,445 square meters at may itinakdang 300 araw para sa konstruksyon.
Target makumpleto ang proyekto sa Hulyo 12, 2027, bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang disaster preparedness at resilience ng mga komunidad sa Cavite.