Photo courtesy of Delegation of the European Union to the Philippines
Naglaan ang European Union (EU) ng €15 milyong na tulong para sa Pilipinas sa ilalim ng European Peace Facility, kasabay ng pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang panig sa seguridad at depensa sa rehiyon ng Asya.
Katumbas ng €15 milyon ang unang assistance measure ng European Peace Facility ng EU sa Asya, na inihayag bilang bahagi ng mas malawak nitong suporta sa katatagan at seguridad sa rehiyon.
Kasabay nito, idinaos sa Maynila noong Oktubre 8 ang ikalawang EU-Philippines Security and Defence Dialogue, kung saan tinalakay ang mga usaping panseguridad, kabilang ang proteksyon sa mahahalagang imprastraktura sa karagatan at kalayaan sa paglalayag.
Pinagtibay rin ng dalawang panig ang kanilang layuning palakasin ang pagkakahanay ng mga posisyon nito sa mga multilateral forum at itaguyod ang kaayusang pandaigdig na nakabatay sa rules-based international order.