Photo courtesy of DSWD BICOL
Natanggap na ng 1,310 benepisyaryo sa Ligao City, Albay ang tig-₱2,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng ikalawang tranche ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transportation (UPLIFT) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol, umabot sa ₱2,620,000 ang kabuuang tulong na ipinamahagi sa mga pamilyang kabilang sa mahihirap at malapit sa poverty threshold upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nakiisa rin ang mga kinatawan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) upang tulungan ang mga benepisyaryo sa pagbubukas at pagsasaayos ng kanilang mga bank account at e-wallet bilang paghahanda sa digitalisasyon ng pamamahagi ng tulong sa ilalim ng UPLIFT Program.