Photo courtesy of Presidential Communications Office
Ipatutupad ng administrasyon ang lahat ng makakaya nito upang tugunan ang mga karahasan sa paaralan na kinasasangkutan ng mga menor de edad.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang tanungin kaugnay sa panukalang naipasa sa Kongreso na layong ipagbawal ang access ng mga kabataan sa high-risk digital services.
Pinaniniwalaan kasi ito na ginagamit na platform upang i-groom ang mga kabataan, upang gumawa ng karahasan.
“And so it’s a terrible thing. It’s a terrible thing. And we’re doing everything that we can,” —Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, kailangan pang mapag-aaralan ang usaping ito at masuri nang mabuti kung ano ang puno’t dulo ng aniya’y generational problem.
Naniniwala ang Pangulo na hindi police problem ang usaping ito. Hindi rin education problem, bagkus ay psychological problem.
Ayon sa Pangulo, gumugulong na ang mga hakbang ng pamahalaan, upang tugunan ang school attacks.
Ikinu-konsidera rin aniya ng gobyerno ang paglalagay ng metal detectors sa mga paaralan. “So, all of these things. There’s no silver bullet to this. You have to bring many, many things together,” —Pangulong Marcos.