Isang strategic move at hindi kahinaan ng ebidensya ang desisyon ng House prosecution panel na i-drop o iurong ang kaso ukol bribery sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor at Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, ginawa ang hakbang upang masunod ang kanilang itinakdang schedule at dahil na rin sa tiwala ng prosecution na matibay na ang naipresenta nilang mga ebidensya sa iba pang artikulo ng impeachment.
Layon din nitong mapabilis ang paglilitis at hindi na abutin pa sa susunod na taon ang trial.
Binigyang-diin din ng mambabatas na kahit inalis na ang artikulo ng bribery sa impeachment trial, hindi ito nangangahulugang libre na ang bise sa pananagutan dahil maaari pa rin siyang sampahan ng hiwalay na kasong kriminal.
Ngayong araw, sa Day 38 ng paglilitis, magpapatuloy ang cross examination ng depensa at clarificatory questions ng mga senator judges kay forensic financial analyst atty. Alexander Cabrera.